Tumaas ang suicide rate sa bansa sa nakalipas na taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 57 porsyento ang itinaas ng suicide rate sa bansa noong 2020.
Batay sa datos ng PSA, nasa 4,420 ang nasawi sa bansa noong nakaraang taon dahil sa self-inflicted harm, na mas mataas kumpara sa 2,810 na naitala noong 2019.
Umangat rin sa ika-25 pwesto ang suicide sa listahan ng mga nangungunang dahilan ng pagkasawi sa Pilipinas, mula sa ika-31 pwesto.
Kaugnay nito, nanawagan si House Deputy Speaker Loren Legarda para sa mas malakas na pagtugon ng gobyerno hinggil sa mental health ng mga Pilipino ngayong may pandemya.
Nais ni Legarda ang mas pinaigting na implementasyon ng RA 11036 o Mental Health Care Act (MHCA) na naglalayong magbigay ng mura at abot-kamay na mental health service na mayroong mental disability, upang maiwasan ang self-induced harm.—sa panulat ni Hya Ludivico