Itigil na ang pag-uugnay ng pagpapatupad ng distance learning sa pagdami ng kaso ng nagpapakamatay na mga kabataan sa bansa
Ito ang apela ng Department of Education (DepEd) sa publiko sa pagkaka-ugnay ng mga naturang insidente sa umiiral umanong distance learning, partikular na ang paggamit ng mga modules sa pag-aaral ng mga estudyante.
Nagbabala rin ang kagawaran sa publiko laban sa mga grupo at indibidwal na ginagamit ang suicide reports para siraan ang mga ginagawang hakbang ng DepEd.
Giit ng DepEd, wala sa mga sinasabing insidente ng pagpapatiwakal ang napatunayang may kinalaman nga sa distance learning.
Kasunod nito ay nagpaabot naman ng pakikiramay ang DepEd sa mga pamilya ng pumanaw na mga mag-aaral at guro sa gitna pa nang nararansang pandemya ng COVID-19.
Magugunitang umani ng kaliwa’t kanang komento ang pagpapatupad ng distance learning dahil sa mabagal na internet connection sa bansa.