Inilunsad na ng Department of Trade and Industry ang “suking tindahan” program sa Marikina City, isa sa mga lugar na matinding nasalanta ng habagat.
Ito’y upang matiyak na sumusnod ang mga maliit na tindahan sa suggested retail prices.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, target nilang makapagtayo ng nasa isanlibong suking tindahan sa buong bansa o isa sa bawat bayan o lungsod.
Kailangan anyang lumagda ang mga store owner sa commitment paper upang ipangakong hindi magtataas ng presyo na labas sa srp.
Gayunman, naka-depende ito sa magiging wholesale price ng mga supplier o manufacturer.