Sa ikinasang Oplan Galugad sa mga piitan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, nakatawag pansin sa mga otoridad ang isang banyagang sulat na binanggit ang pangalan ni Senador Leila De Lima na nakuha sa dormitoryo ng mga foreign national.
Ang naturang sulat ay napag-alamang pagmamay-ari ng isang german national na may kasong murder.
Pero nang ipa-translate ang naturang german letter sa wikang ingles, lumabas na nanghihingi lang pala ng tulong ang inmate sa noo’y DOJ Secretary na si De Lima.
Nabatid na sumulat ang german national sa isang kaibigan nito sa labas para ito na ang mag-email sa DOJ dahil matagal na umano siyang hindi natulungan ng German Embassy.
By: Meann Tanbio / Allan Francisco