Nakatakda nang magbenta ang Department of Agriculture ng mas malusog at mas murang bigas na tinatawag na “Sulit” at “Nutri” Rice sa 2025.
Ito ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ay mabibili sa Kadiwa ng Pangulo Stores upang mabenepisyuhan ang mas maraming Pilipino.
Ang “Sulit” Rice, ay ibebenta sa 35 hanggang 36 pesos kada kilo, habang ang “Nutri” Rice ay mabibili sa t36 hanggang 37 pesos kada kilo.
Sisimulan ng DA ang pagbebenta ng “Sulit Rice” sa Enero; habang ang “Nutri Rice” ay ibebenta sa kalagitnaan ng 2025. – Sa panulat ni John Riz Calata