Inatasan ng Manila Regional Trial Court ang Sulpicio Lines na magbayad ng P242 million bilang danyos sa mga pamilya ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Princess of the Stars noong June 2008.
Ayon kay Public Attorney’s Office o PAO Chief Persida Rueda-Acosta, ipinalabas ng Manila RTC Branch 49 ang naturang desisyon noon pang September 18, 2015.
Sinabi ng korte na napatunayang nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng Sulpicio Lines o Philippine Span Asia Carrier Corp. na pag-aari ng pamilya Go.
Matatandaan na noong June 20, 2008 ay lumubog sa Sibuyan Sea ang M/V Princess of the Stars na may sakay na mahigit 800 indibidwal kung saan halos 300 ang nasawi at mahigit 500 naman ang idineklarang missing.
By Jelbert Perdez