Dumating na sa Pilipinas si Sultan Haji Hassanal Bolkia ng Brunei Darussalam para sa kaniyang dalawang araw na state visit gayundin ang pagdalo sa ASEAN Summit.
Mag-aalas 7:00kagabi nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Bolkia sa hangar balabag ramp ng NAIA o Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa pamunuan ng NAIA, si Bolkia mismo ang nagpiloto ng kaniyang sinakyang eroplano lulan ang kaniyang delegasyon.
Sinalubong si Bolkia nila Philippine Ambassador to Brunei Meynardo Montealegre, Pasay City Mayor Tony Calixto, Finance Secretary Cesar Dominguez at Pasay Rep. Emi Calixto – Rubiano.
Kabilang sa mga aktibidad ng Sultan sa Pilipinas ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal at saka didiretso sa palasyo ng Malakaniyang para sa welcome honors.
Inaasahan ding makikipag-pulong si Bolkia kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang bilateral meet bago magbukas ang ASEAN Summit.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping