Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Sultan Kudarat.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, natunton ang sentro ng lindol sa layong 15 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Kalamansig.
Nabatid na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 30 kilometro.
Wala namang iniulat na pinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa nasabing lindol.