Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Sultan Kudarat.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro nito sa layong 66 kilometro timog kanluran ng bayan ng Kalamansig.
Sinasabing tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 586 kilometro.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks sa naturang pagyanig.