Naka-full alert na ang Sultan Kudarat Provincial Police matapos ang pambobomba sa isang bus sa Tacurong City na ikinasawi ng isang pasahero at ikinasugat ng 11 iba pa.
Alinsunod ito sa kautusan ni PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. kasabay nang patuloy na pursuit operations sa mga nasa likod ng pagpapasabog.
Hinigpitan na rin ang checkpoint at pag-i-inspeksyon sa bagahe ng mga pasahero bilang bahagi ng pagtiyak sa seguridad at kaligtasan sa lalawigan.
Extortion ang tinitingnang motibo sa pambobomba habang mayroon ng person of interest ang PNP. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla