Umapela ang Sultanate of Sulu sa Malaysia na i-review ang naging desisyon ng Korte na patawan ng parusang kamatayan ang siyam (9) na Pilipinong lumusob sa Lahad Datu noong 2013.
Ayon kay Sultanate of Sulu Spokesman Abramaham Idjirani, hindi dapat tawaging kriminal ang naturang mga Pilipino dahil nagtungo lamang sila sa Sabah para bawiin ang kanilang lupain.
Matataandaang may claim ang Sultanate of Sulu sa naturang teritoryo base na rin sa naging kasunduan nito sa Great Britain at kinikilala ito ng Malaysia sa pamamagitan ng pagbabayad ng annual rental payment.
Kaugnay nito, umaasa ang pamunuan ng Sultanato na i-aapela ng Department of Foreign Affairs o DFA ang naging desisyon sa miyembro nito.
By Rianne Briones