Muli na namang binulabog ng tatlong malalakas na pagsabog ang Patikul, Sulu kahapon.
Ayon kay Lt. Col. Diosdado Pambid ng 6th Division Special Forces Battallion, nasa gitna ng medical mission ang 11th Infantry Divison ng Philippine Army sa Tanum Eementary School nang marinig ang malakas na pagsabog.
Nagtakbuhan ang mga nabulabog na sibilyan sa pagsabog na mula sa kabundukan ng naturang bayan.
Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa pangyayari.
Hinala naman ng mga otoridad na ang Abu Sayyaf group pa rin ang siyang nasa likod ng panibagong pagsabog at may kaugnayan pa rin sa naging pag atake sa Jolo Cathedral.