Aminado si Sulu vice governor abdusakur Tan na posibleng may mga kasabwat sa pulitiko ang Abu Sayyaf.
Gayunman, hinamon ni Tan ang mga nagpaparatang na pangalanan kung sino ang tinutukoy nilang local officials na tumatanggap ng reward money para sa pagpapalaya ng mga bihag ng Abu Sayyaf.
Una rito, kinumpirma ng Malaysian government ang pagbabayad ng 130 million pesos kapalit ng pagpapalaya sa apat na Malaysian tugboat crew na dinukot sa Sabah nuong Abril a uno.
Subalit napaulat na isandaang milyong piso lamang di umano ang nakarating sa mga bandido at nananatiling misteryo kung saan napunta ang tatlumpung milyong piso.
By: Len Aguirre