Natanggal na ang BRP Gregorio Del Pilar mula sa pagsadsad nito sa Hasa – Hasa Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon sa Philippine Navy, nagsimula ang salvage operations 2:00 kahapon at matagumpay na naiangat ang barko ilang minuto bago mag hating gabi.
Kinontrata naman ang dalawang pribadong tugboat para humila sa barko patungong Subic.
Noong nakaraang linggo sumadsad ang BRP Del Pilar sa 60 nautical miles mula sa Rizal, Palawan habang nagsasagawa ng routine patrol.