Muling binuksan ang Sumaguing at Lumiang cave sa Sagada, Mountain Province.
Ilang araw ito matapos isara sa mga turista ang mga nasabing tourist spot kasunod nang pagkamatay ng isang kinse anyos na estudyante.
Bago buksan ang mga nasabing kuweba, nagsagawa nang tinaguriang “D daw-Es” ang mga matatanda sa Mountain Province para itaboy ang anila’y masasamang espiritu sa loob ng kuweba matapos mahulog ang grade 8 student sa loob ng crystal cave noong Lunes.
Kaugnay nito, ipinabatid ng National Commission for Culture and the Arts katuwang ang International Council on Monuments and Sites na magpatupad ng mga patakaran at mas responsableng tourism plan sa pagbubukas sa publiko ng mga tourist spots.
By Judith Estrada-Larino
(Photo Credit:Â ochibernadas.blogspot.com)