Nabunyag na patuloy na nakararanas ng involuntary hunger o gutom ang milyon-milyong Pilipino.
Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Enero hanggang Marso ng 2022 kung saan nasa 15.5 milyon ang nagsabing nakaranas sila ng involuntary hunger.
Sinasabing mas malala ito noong kasagsagan ng pandemya, kung saan maraming nawalan ng trabaho at nahirapan maghanap kung saan sila kukuha ng makakain.
Ngunit gamit ang iyong Globe Rewards points at GCash, maaari kang makatulong na masolusyunan ang suliraning ito.
Sa bawat pagbili ng load o pagbayad ng buwanang subscription, may katumbas itong Rewards points na maaaring i-donate sa Hapag Movement.
Sa pamamagitan ng teknolohiya, layon ng telco na makatulong sa pamamagitan ng Hapag Movement, isang inisyatibong pinag-uugnay ang iba’t ibang organisasyon na nakatuon sa pagbibigay-lunas sa gutom at pagbibigay ng kabuhayan sa mga mahihirap na pamilya.
“Hinihikayat namin ang lahat na makibahagi sa programang ito. Kahit maliit na halaga ay malaking bagay na at malayo ang mararating para sa laban natin kontra gutom,” ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability at Corporate Communications Officer ng Globe.
Para sa mga donasyon, i-download lamang ang bagong GlobeOne App at maaaring i-donate ang iyong Globe Rewards points.
Kahit na piso ay pwedeng i-donate.
Para malaman ang iba pang sustainability initiatives ng telco, bisitahin ang kanilang website.