Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang probinsya ng North Sumatra na sakop ng western Indonesia.
Namataan ang epicenter ng lindol sa layong 130 kilometro southwest ng Nias Barat district na may lalim na 6,000 na kilometro.
Ayon sa Meteorology, Climatology and Geophysics Agency, umabot ng tatlo hanggang apat na pagyanig ang lindol na naramdaman din sa mga kalapit na probinsya ng West Sumatra at Aceh.
Sinabi naman ng local disaster officials na hindi nagdulot ng malalaking alon at tsunami ang naganap na lindol habang wala ding naitalang damage o casualty sa nabanggit na lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero