Niyanig ng 6.4 magnitude na lindol ang katimugang bahagi ng Sumatra Indonesia kaninang umaga.
Batay sa US Geological Survey, namataan ang sentro ng lindol layong 74 na kilometro ng Coastal City ng Bengkulu at may lalim na 35 kilometro.
Ayon sa isang opisyal ng Indonesia Disaster Mitigation Agency, naramdaman ang pagyanig sa Padang City na mahigit 380 kilometro ang layo Bengkulu kung saan nag-panicked ang mga residente.
Naramdaman din ang pagyanig sa Sumatra at maging sa Singapore.
Wala pang napaulat na pinsalang natamo mula sa lindol at hindi rin nagpalabas ng Tsunami warning.