Ilulunsad sa Lunes ng Department of Transportation o DOTr ang kasunod na programa ng kanilang ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ campaign.
Ayon kay DOTr Undersecretary Tim Orbos, ang kasunod na programa ay ang ‘Sumbong Bulok, Sumbong Usok’ kung saan puwedeng tumulong ang mamamayan upang malinis ang kalsada mula sa mga bulok at mausok na sasakyan.
Hinikayat ni Orbos ang taongbayan na isumbong sa DOTr ang mga makikita nilang bulok na sasakyan tulad ng mga nagbubuga ng usok, may sirang ilaw at kalbong gulong.
Mas maganda aniya kung makukunan ng litrato ang mga jeepney na kakarag-karag o bulok na bago isumbong sa awtoridad.
Mula lamang noong Lunes, halos 1,000 bulok na jeepney na ang nasisita ng Inter-Agency Council for Traffic sa ilalim ng ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ campaign.
—-