Sinariwa ng isang anak ni presidential aspirant at vice president Leni Robredo ang kanyang ama at ina na nagsuot ng kulay pink na damit nang sumama sa martsa ng Sumilao Farmers sa Naga City noong 2007.
Sa isang video clip na ibinahagi ni Aika sa kanyang twitter account, makikita ang mag-asawang Jessie at Leni Robredo na masayang sinalubong ang Sumilao Farmers sa Naga City nang magmartsa mula Mindanao patungong Manila.
Patunay aniya ito na dati nang ginamit ng kanilang magulang ang kulay pink na siyang ginagamit ngayon ni VP Leni sa kanyang political party.
Si VP Leni ang tumulong sa Sumilao Farmers na maipanalo ang kanilang kaso noong volunteer lawyer pa ng Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal, isang NGO.
Sinuportahan ng Sumilao Farmers ang kandidatura noon ni Robredo sa pagka-bise presidente at muling nangako na muling susuportahan ngayong eleksyon sa Mayo.