Pinaplantsa na ng Department of Transportation o DOTr ang igagawad nilang kontrata sa kumpanyang Sumitomo Corporation.
Ito’y para bumalik bilang maintenance provider ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 mula nang itayo ito noong 1998 hanggang sa taong 2013.
Inihayag ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade makaraang pumayag na ‘in principle’ ang Sumitomo Corporation para pangasiwaan ang pagmamantine sa mga tren matapos mamagitan ang Japanese government.
Kasunod nito, sinabi Tugade na pinag-aaralan na nila ang alok ng Metro Pacific Investment Corporation o MPIC na hawakan ang operasyon ng buong linya ng MRT Line 3.
Nitong Huwebes, Enero 25, aabot sa labing isa (11) ang mga tumakbong bagon ng MRT kung saan walang naitalang insidente ng aberya at nakapagpalabas pa nga ng mga skipping trains.