Kanselado na ang kauna-unahang summer edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na nakatakda sanang ganapin mula Abril 11 hanggang 21.
Ito ang inanunsyo ng organizers ng MMFF matapos namang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa community quarantine ng buong Metro Manila.
Gayundin ang deklarasyon ng World Health Oganization (WHO) sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) bilang pandemic.
Wala namang anunsyo kung kailan irereschedule ang aktibidad.
Samantala, sarado naman “indefinitely” ang lahat ng museo na nasa ilalim ng pangangasiwa ng national museum of the Philippines sa buong bansa.
Sa kanilang ipinalabas na abiso, ipagpapaliban din lahat ng nauna nang itinakdang programa, aktibidad at public events ng national museum.