Higit tatlong daang (300) mga trabaho ang bubuksan ng Quezon City government para sa mga estudyanteng nagnanais na magkaroon ng summer job sa darating na bakasyon.
Ayon sa Special Program for the Employment of Students ng Quezon City, layon nitong tulungan ang mga estudyanteng nasa grade 10 pataas para magkaroon ng tulong pinansiyal sa kanilang pag-aaral.
Tatanggap ang mga kwalipikadong estudyante ng limang daan at labing dalawang pisong (P512.00) sahod na pagtutulungan ng siyudad ng Quezon at Department of Labor and Employment (DOLE).
Magsisimula ang naturang programa sa Abril 3 hanggang Mayo 2.