Hindi pa opisyal na pumapasok ang summer season.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, pabalik-pabalik pa rin ang hanging amihan kahit sa gitna ng mga nararamdamang init ng panahon.
Samantala, ang mainit na panahon sa kasalukuyan ay bunga naman ng pag-iral ng ridge of high pressure area o HPA at easterlies.
Pormal na idinedeklara ang summer season kapag tuluyang nawala ang hanging amihan.
—-