Posibleng i-terminate na ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang amihan season sa ikatlong linggo ng buwang ito.
Ito’y dahil sa unti-unting paghina ng hanging amihan na nagmumula sa China at Siberia na nagdadala ng malamig na hangin sa bansa.
Dahil dito, ibinabala ng Weather Bureau na asahan na ang mainit at maalinsangang panahon sa mga susunod na araw bagama’t may mararanasan pa ring mga pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.
Hinihintay na lamang ng PAGASA ang paglakas ng easterlies o hanging nagmumula sa silangan bago tuluyang pormal na ideklara ang panahon ng tag-init o summer season.
By Jaymark Dagala