Mararanasan sa Biyernes, Hunyo 21, ang pinakamahabang araw o tinatawag na summer solstice ngayong taon.
Ayon sa astronomical diary ng PAGASA, magaganap ang eksaktong sandali ng summer solstice, 11:54 ng gabi, oras sa Pilipinas sa Biyernes.
Nangyayari ang summer solstice kapag naabot na ng araw ang “greatest declination” nito na +23.5 °.
Tanda naman ang summer solstice ng unti-unti nang pag-ikli ng umaga at paghaba ng gabi.