Umarangkada na ang Ulama Summit o pagtitipon ng Islamic scholars sa Cotabato City.
Ito ay sa kabila ng pagbabanta mula sa radical terrorist group na Dawla Islamiya na una nang nagpahayag ng katapatan sa grupong ISIS.
Bago ang naturang summit ay nagbanta ang Dawla Islamiya na may mangyayari sa lahat ng mga dadalo dito.
Giit ng grupo, ginagamit lamang ni ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman ang mga Ulama para sa personal agenda ng opisyal.
Layon ng Ulama Summit na bigyang diin na ang Islam ay hindi maaaring gamiting katwiran para sa pagsasagawa ng terorismo at paghahasik ng takot at karahasan.
Una nang sinabi ni Hataman na patuloy na nakakaapekto sa ekonomiya ng Mindanao ang karahasan at terorismo.
By Ralph Obina
Summit ng Islamic scholars sa Mindanao umarangkada na sa kabila ng terror threats was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882