Umabot na sa halos 60,000 drug pushers at users ang sumusuko sa mga awtoridad sa buong bansa.
Ito ang inihayag ni Chief Supt. Camilo Cascolan, Chief Directorate for Operations ng Philippine National Police sa gitna ng nagpapatuloy na kampanya kontra iligal na droga.
Nasa 57,000 anya ang gumagamit ng droga habang tinaya sa 2,000 ang nagbebenta.
Sumampa naman sa 1,600 ang inaresto habang 127 ang patay matapos umanong manlaban sa pulisya sa loob ng isang buwan.
Gayunman, base sa pagsasaliksik ng DWIZ, mahigit 130 na ang napapatay sa nagpapatuloy na anti-illegal drugs operation ng PNP, simula naman ng manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte, noong June 30.
Kung pagsasamahin ang bilang simula Mayo 10 hanggang sa kasalukuyang buwan ay mahigit 320 na ang patay sa anti-illegal drugs operation ng PNP.
By Drew Nacino