Walang anumang criminal record ang sumukong gunman sa pagpatay sa brodkaster na si Percival Mabasa o kilala bilang Percy Lapid.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police, sinabi ni Special Investigation Task Group Commander Police Col. Restituto Arcangel na nagpapatuloy na ang background check sa sumukong suspek na si Joel Escorial.
Dito nalaman ng pnp na walang anumang criminal record si Escorial, taliwas sa sinabi nito na nasangkot siya sa ilang hit jobs.
Noong Martes sumuko sa mga otoridad si Escorial kasabay ng pag-amin nito na mayroon siyang 3 kasabwat, at nanggaling umano sa loob ng new bilibid prison ang utos na patayin niya si Lapid.