Umabot na sa halos 1,000 ang sumukong convicts ng heinous crimes, isang araw bago matapos ang ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesman Sonny Del Rosario, nasa 432 ang naibalik na sa Bilibid sa Muntinlupa samantalang ang iba pa ay nasa mga kulungan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Matapos ang September 19, ang lahat ng convicts ng heinous crimes na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ay ituturing nang fugitives at puwede nang arestuhin kahit walang warrant of arrest.