Hinikayat ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang Sambayanang Pilipino na sumulong na kasabay ng nalalapit na ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa darating na Sabado.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni Andanar na gamitin sana ng mga Pilipino ang aral ng EDSA para magkaisa sa pagtaguyod ng kaunlaran ng bansa at hindi maging instrumento ng pagkakawatak-watak.
“Tayo ay matuto sa mga nangyari noong 1986, let’s not put the efforts in vain ng ating mga kababayan na lumaban noong EDSA, the country is moving forward, tignan natin ang ibang mga solusyon na ibibigay ng ating Pangulo tulad ng pagbabago at pag-amyenda ng ating constitution, ang ating form of government to federalism at marami pa pong iba.” Ani Andanar
Kasabay nito, inilatag ni Andanar ang mga programa ng gobyerno na may kaugnayan sa paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Secretary Martin Andanar
By Ralph Obina | Karambola (Interview)