Hawak na ng Taguig City Police ang sumundo sa napatay na 14-anyos na si Mark Lawrence Salonga na hinihinalang gumagamit ng marijuana.
Ayon kay Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City, inaalam pa nila kung bakit sinundo ng nakilalang si Zeus Obog ang biktimang si Salonga.
Paglilinaw pa ni Santos, walang kinalaman sa droga ang pagkakabaril kay Salonga at isa sa kanilang tinitignang anggulo ay ang posibleng away sa magkaibang grupo.
Hindi rin aniya nila masabi kung target rin ng pamamaril si Obog dahil agad itong tumakbo nang mangyari ang pamamaril.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng Taguig Police ang resulta ng medico legal examination sa labi ni Salonga.
—-