Inaasahang mas marami pang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang susuko sa mga susunod na araw.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng Armed Forces of the Philippines, sukol na ang bandido at halos nangangalahati na lamang ang natitirang miyembro ng mga ito mula sa limandaan (500) noong Disyembre.
Sinabi ni Padilla na marami na silang natatanggap na surrender feelers mula sa Jolo, Basilan at Tawi-tawi.
Samantala, kumbinsido ang militar na hindi na banta sa kapayapaan ang dalawa pang Abu Sayyaf sa Bohol na patuloy pang tinutugis ng mga sundalo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Brig. General Restituto Padilla
Majayjay encounter
Samantala, balik na sa normal ang sitwasyon sa Barangay Ibabang Banga sa Majayjay Laguna kung saan nagkaroon ng engkwentro ang militar at NPA o New People’s Army.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP, tinangkang atakihin ng mga rebelde ang isang kumpanyang nagsasagawa ng proyekto ng pamahalaan matapos itong tumangging magbigay ng revolutionary tax na tatlumpu’t anim (36) na milyong piso.
Nagkaroon aniya ng engkuwentro kung saan bahagyang nasugatan ang isa (1) nilang sundalo at isang (1) CAFGU.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Brig. General Restituto Padilla