Patay ang isang sundalo matapos pagbabarilin ng hinihinalang miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Mamasapano, Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Corporal Tamano Macadatar, miyembro ng Engineering Battalion ng Philippine Army.
Ayon kay Senior Superintendent Agustin Tello, Hepe ng Mamasapano PNP, tumutulong si Macadatar sa paggawa ng isang gusali ng eskwelahan sa Barangay Tukanalipao nang lapitan ng hindi pa nakikilalang salarin at pagbabarilin.
Batay rin sa imbestigasyon, armado ng M1 garand rifle ang salarin.
By Krista de Dios