Tatlong libong sundalo mula sa United States Army Pacific 25 Infantry Division at Philippine Army ang lalahok sa Salaknib military exercise sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Philippine Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad sa pagtatapos ng isang linggong Salaknib 2023 planning conference.
Isasagawa ang pagsasanay sa dalawang yugto sa Central at Northern Luzon at maging sa Mindanao.
Sinabi ni Philippine Army Deputy Assistant chief of staff for Education and Training Col. Emmanuel Cabasan na inaasahan niya ang mga benepisyo ng pagsasanay mula sa iba’t ibang aktibidad at pagpapalitan ng kaalaman ay magagamit ng parehong hukbo.
Ipinabatid naman ni Philippine Army chief LT. Gen Romeo Brawner Jr., na ang taunang pagsasanay ay pagpapahayag lamang ng long standing bilateral relations ng Pilipinas at Amerika na makatutulong sa pagkamit ng nagkakaisang layunin na panatilihin malaya at bukas ang Indo Pacific Region.