Isang sundalo ang patay, habang dalawa pa ang sugatan, sa insidente ng pamamaril sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort Gregorio Del Pilar sa Baguio City.
Ayon kay PMA Spokesperson Maj. Cheryl Tindog, isang Philippine Air Force Airman 2nd Class ang nag-amok at walang habas na nagpaputok ng baril sa kanilang barracks kahapon ganap na alas-4:50 ng hapon.
Dinala ang tatlong tauhan sa Fort Del Pilar Station Hospital at saka inilipat sa Baguio General Hospital para sa patuloy na gamutan.
Tumanggi naman ang PMA na pangalanan ang suspek at mga biktima ng naturang insidente.