Nasawi ang isang sundalo matapos makipakabakbakan sa mga miyembro ng NPA.
Batay sa impormasyong nakarating sa Philippine Army Headquarters, nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng 61st Infantry Battalion sa Barangay Tacayan, Tapaz, Capiz kahapon ng umaga nang makasagupa ang mga rebelde.
Kasunod ito ng report ng mga residente na naglalatag umano ng pampasabog ang NPA sa kalsada.
Samantala, hindi pa pinapangalanan ang napatay na sundalo maging ang dalawa pang sundalong nasugatan sa bakbakan.
Ito ang unang tala ng pagkalagas sa pwersa ng pamahalaan mula nang bawiin ng NPA at gobyerno ang tigil-putukan.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal