Isang sundalo ang patay matapos maka-engkwentro ng militar ang tinatayang 20 miyembro ng New People’s Army sa bayan ng Alegria, Surigao Del Norte.
Kinilala ang nasawi na si Private First Class John Francis Rivera habang sugatan si Private First Class Windyl Daayata sa kalahating oras na bakbakan sa barangay Budlingin.
Ayon kay Lt. Col. Rico Amaro, commander ng 30th Infantry Battalion, nakatanggap sila ng mga ulat na inokupa ng NPA ang Barangay Tribal Center at pinuwersa ang mga residente na patayin ang kanilang mga ilaw at mobile phones at nagsilbing human shields.
Plano sana ng mga rebelde na salakayin ang pinaka-malapit na military detachment.
Ang Sandatahang Yunit Pampropaganda – Lumad, Guerilla Front 16, Northeastern Mindanao Regional Committee sa ilalim ng isang alyas “Ricky” ang nasa likod ng pag-atake.
Ito rin anya ang grupong dumukot kay Private First Class Erwin Salan noong January 29 na dahilan upang ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte unilateral ceasefire ng gobyerno at NDF-CPP-NPA.
By: Drew Nacino