Nananatili sa kritikal na kundisyon si Major Elmer Payot, ang sundalo na nag – amok sa Pasay City, Lunes, Enero 23.
Ayon kay Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management branch ng Pasay Police, nananatili sa Adventist Medical Center ang sundalo na mayroong tama ng baril sa dibdib, matapos tumangging maaresto at tutukan ng baril ang mga pulis.
Narekober ng pulisya kay Payot ang isang kalibre 45 baril at ang apat na sachet ng shabu.
Nahaharap sa mga kasong illegal detention, paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, Discharge of Firearms at Attempted Hommicide si Payot.
By: Katrina Valle / Allan Francisco