Inaalam pa ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang ulat na napatay na sa bakbakan ang magkapatid na Omar at Abdullah Maute sa Marawi City.
Ayon kay Lt/Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, mayroon na aniya silang matibay na indikasyon na napatay ang dalawa (2) kasabay ng nagpapatuloy na opensiba ng pamahalaan.
Gayunman, hindi pa ito makumpirma ng militar hangga’t walang ebidensyang makapagpapatunay sa nasabing impormasyon na nakuha nila mula sa ground.
“We are validating the report that Omar, Omar Maute and Abdullah Maute were killed in a different fire fight so we are still waiting for the information. As I said, we are doing the validation right now. That’s based on our reports on the ground.”
“Kasama po yun sa ginagawa nating validation. Importante kasi yung evidence eh, makita natin yung evidence but there are reports already kaya parte ng validation naming is to see the body”, ani Herrera.
Kasunod nito, ipinabatid din ni Herrera na napatay din sa nangyaring bakbakan noong Biyernes ang isang 1st Lt. Sevillano na siyang nakadiskubre ng halos walumpung milyung pisong (P80-M) cash at tseke gayundin ang mga armas ng Maute Group sa kanilang sniper house sa nasabing lungsod.
“Nakakalungkot nga noh, one of the marine officer, that’s 1st Lt. Sevillano. This guy is a very courageous, very commited military junior officer, no question of intergrity.”
“He is a very professional soldier, he would in the front line, siya yung nag-conduct ng clearing operation. So, unfortunately, he is one of the killed yesterday in that gun battle”, pahayag ni Herrera.
By Jaymark Dagala