Pinaalalahanan ng pma Philippine Medical Association ang publiko na patuloy na sundin ang health protocols kahit pa nabakunahan na kontra COVID-19.
Sinabi ni Dr. Benny Atienza, pangulo ng pmahindi na hindi dapat magpakakampante ang publiko lalo’t may mga sumusulpot na variant ng coronavirus tulad ng Delta variant.
Marami aniya silang nakikitang nagtatanggal ng mask gayundin ng face shield at hindi sumusunod sa health and safety protocols.
Ipinbatid pa ni Atienza na nagsimula nang kumuha ng mas marami pang duktor at medical personnel ang DOH bilang paghahanda sa posibleng “surge” o pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Samantala umapela rin si Atienza sa mga magulang na kumpletuhin ang bakuna ng kanilang mga anak laban sa iba pang sakit.