Posibleng sa Australia isagawa ang susunod na laban ni Senador Manny Pacquiao.
Kasunod na rin ito ng naunang pahayag ni Top Rank Promotions President Bob Arum na hindi na muna sa Amerika idaraos ang susunod na laban ng Pambansang Kamao.
Lumutang din ang report na sa hometown ni Australian professional boxing star Jeff Horn sa Brisbane, Australia target ng Top Rank idaos ang pagbabalik ring ni Pacman.
Si Horn ang matunog na pangalang ipantatapat sa Senador matapos lumabot ang posibilidad na makaharap si Terence Crawford dahil sa hinihinging 20 million US dollar guaranteed prize ni Pacquiao.
Sinasabing nakatakda nang lumipad pa Los Angeles sa California, USA ang mga kinatawan ng promoter ni Horn para makipag-negosasyon sa kampo ni Arum.
By Judith Larino