Kinumpirma na ni 8-division boxing world champion Manny Pacquiao na magaganap ang kanyang laban sa Malaysia.
Ayon kay Pacquiao hiniling umano ng mga taga-Malaysia na doon gawin ang kaniyang susunod na laban na posibleng ganapin sa Hunyo.
Samantala, kasalukuyang pinaplantsa na umano kung sino ang kaniyang makakaharap sa pagbabalik niyang muli sa boxing ring.
Pinagpipilian umano kung sino ang kaniyang makakalaban sa pagitan nina Lucas Matthysse ng Argentina at Danny Garcia ng Estados Unidos.
—-