Tila tinitiyak na ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na hindi makaka-apekto sa kanyang susunod na laban ang kanyang plano para sa darating na eleksyon.
Ito’y matapos ihayag ni promoter ni Pacquiao na si Bob Arum, na kinausap siya ni pambansang kamao upang siguruhing ang susunod na laban nito ay hindi dapat lalagpas sa ikalawang linggo ng Abril ng susunod na taon.
Anya, ito’y para magamit ni Pacquiao ang mga susunod na linggo sa kanyang pangangampanya para sa eleksyon.
Sinabi naman ni Pacquiao sa isang panayam na wala pa siyang pinal na desisyon ngayon kung ano ang kanyang plano sa kanyang karera sa pulitika.
Ayon naman kay Arum, kapag pinayagan na ng mga doktor si Pacquiao para lumaban, saka lamang nila sisimulan ang negosasyon para sa susunod na laban ng pambansang kamao.
Ilan sa pinagpipiliang makaktapat ni Pacquiao ay sina Amir Khan, Kell Brook, Terence Crawford at Juan Manuel Marquez.
Sa ngayon, nasa recovery stage pa si Pacquiao dahil sa kanyang injury sa balikat.
By: Jonathan Andal