Nakapagtala ng sunod-sunod na aksidente ang MMDA sa bagong lagay na concrete barriers sa EDSA para sa mga bus.
Ipinabatid ng MMDA na batay sa kanilang record simula June 1 hanggang June 19 at nakapagtala ng isang aksidente kada araw dahil sa mga nasabing concrete barriers na inirereklamo ng mga motorista.
Sinabi ni MMDA traffic head for EDSA Bong Nebrija na naglagay naman sila ng hazard markers para maging gabay ng mga motorist.
Karamihan aniya sa dahilan ng aksidente ay nakainom na driver, nagse-cellphone na driver o kaya naman ay over speeding.
Samantala ipinabatid ni Nebrija na patapos na ang paglalagay ng bus stop sa gitna ng EDSA.