Tinatayang 20 kabataang miyembro ng Youth Resist ang sumugod sa Camp Crame, Quezon City upang kondenahin ang mga umano’y pagpatay ng mga pulis sa mga kabataan.
Sumama sa kilos protesta ang running priest na si Father Robert Reyes na nag-alay ng maikling dasal para umano matigil na ang pagdanak ng dugo sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Nanawagan naman ng hustisya si Student Council Alliance of the Philippines O.I.C., Secretary-General Jeza Rodriguez para sa mga menor-de-edad na biktima ng war on drugs.
Samantala, matapos ang protesta, nasa isandaang 100 muslim at indigenous people ang sumugod din sa Crame para naman kondenahin ang anila’y extra judicial killings sa administrasyong Duterte.
By: Drew Nacino
SMW: RPE