Hindi pa kumbinsido ang isang political analyst sa kaliwa’t kanang deklarasyon ng mga kandidato sa 2022 national elections partikular ang mga tatakbo sa pagka-Presidente at Bise Presidente.
Ayon kay Professor Ramon Casiple, marami pang puwedeng mangyari lalo’t hindi pa naman naghahain ng Certificate of Candidacy ang mga pumupormang kandidato.
Bukod pa anya ito sa COVID-19 pandemic na may malaking epekto sa halalan.
Huwag kang maniwala sa mga sinasabi, kasi itong period na ito ang tawag diyan tactics period. Hindi kaagad-agad sinasabi nila, ayun ang mangyayari , malalaman din nila kung sino ang mga kandidato, kapag nag-file ng candidacy nila sa 1st week ng October,”pahayag ni Prof. Casiple.
Dahil anya sa pandemya, naniniwala si Casiple na magiging malaking hamon ang pagdaraos ng kampanya at mismong araw ng botohan kumpara sa mga nagdaang eleksyon.
Mabigat ang eleksyong ito, marami ang nakataya dito, hindi natin pwedeng isantabi lamang kasama rito maraming bagay, “wika ni Prof. Ramon Casiple—sa panulat ni Drew Nacino