Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sunod – sunod na pagpasok sa bansa ng Middle Eastern nationals gamit ang Belgian at Spanish passports.
Partikular na tinututukan ng NBI ang ilang airline at airport employees na posibleng kasabwat ng international human trafficking syndicate.
Una nang hiningi ng Bureau of Immigration (BI) ang tulong ng NBI dahil lumalabas na ginagamit ng sindikato ang Pilipinas bilang transit hub patungong United Kingdom (UK).
Ito ay lalo na’t may direct flight na mula Maynila patungong UK.
Kasunod na din ito ng pagharang ng Immigration sa sampung (10) dayuhan na sakay ng Thai Airways at Malaysian Airlines.
Kabilang dito ang pitong (7) Iranians, isang Somalian at dalawang Chinese nationals.