Nagpahayag ng pagkaalarma ang Commission on Elections (Comelec) sa sunod-sunod na pagpatay sa ilang mga kandidato ilang buwan bago ang eleksyon.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, pinaplano nilang makipag diyalogo sa Philippine National Police (PNP) para maaksyunan ang tumataas na bilang na pagpatay at pagbabanta sa mga kandidato.
Iimbitahan din sa naturang diyalogo ang mga kumakandidato upang makagawa ng consensus para sa paglalatag ng mas mainam na security arrangements.
Sa nakalipas na limang buwan, mayroon ng 10 kandidato ang nabiktima ng election related violence.
Samantala, malaki naman aniya ang posibilidad na isailalim sa watchlist ng PNP ang Quezon City kasunod ng panibagong pagpatay sa isang tumatakbong kongresista sa lungsod.