Posibleng bahagi ng pananabotahe sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte ang sunod-sunod na pagpatay sa mga kabataan.
Ayon kay Atty. Percida Acosta, hepe ng Public Attorney’s Office o PAO, hindi malayo na ang mga taong nasa likod ng pananabotahe ay ang grupong nais na mapatalsik sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang-diin ni Acosta na mayroong marangal na hangarin ang giyera kontra droga kaya’t kahit na sinong pangkaraniwang mamamayang Pilipino ay mag-iisip na bahagi ito ng destabilisasyon.
Si Acosta ay isa sa mga nagpahayag at nagpakita ng suporta sa Citizen National Guard, ang grupong naglantad ng mga tinagurian nilang enemies of the state na kinabibilangan ng tinawag nilang yellowtards.